Biyernes, Setyembre 22, 2017

Atom Araullo is Now Officially KAPUSO again!


Opisyal na ngang tinanggap si Atom Araullo bilang bagong miyembro ng GMA News and Public Affairs matapos ang anim na araw mula ng ipinahayag ang kanyang resignation sa ABS-CBN kung saan naging home network niya sa loob ng 13 years.


Makakasama ni Atom ang ilang veteran broadcast journalists na sina Howie Severino, Kara David, Jay Taruc, and Sandra Aguinaldo sa GMA News and Public Affairs docu-program na I-Witness. Ayon kay Atom  "Isang bahagi lang ng buhay ang alam ng mga manonood. Gusto kong mas marami akong mas ma share kaya I am exploring the long form ng journalism - 'yung paggawa ng documentaries." "There is this undeniable need to grow, and this is where my journey took me. Ang dami pang puwedeng gawin." "Ang dami ko ring hinahangaan dito tulad nina Howie Severino, si Ma'am Jessica na unang nakatrabaho ko; sina Sir Mike Enriquez, marami. I hope to be able to learn a lot from everyone." 

Mababasa sa Intagram post ni Noel Ferrer (iamnoelferrer) isang talent manager at Multi-media Producer and Writer ang unang panayam kay Atom bilang Kapuso.

Pahayag ni Atom "Ang dami kong gusto kong gawin. This seems to be good place to do them." Matatandaang galing din si Atom sa GMA7 dahil du'n unang umere ang kanyang 90s educational kiddie blocktimer show na 5 and Up, Halos isang dekada ring nakalipas, naging segment anchor din siya sa weekend newscast ni Jessica Soho na "Atomic Sports" sa 24 Oras.
Marami din naman nagulat at maraming ang fanbase ni Atom, sabi niya, "To be a journalist with fans is kind of odd, but Im not complaining. But we all know that fame just comes and goes. Lalo akong napepressure maging magaling at mabuti. I have to continuously show people that I deserve that kind of trust. That's why I just have to get better in my journalism; actually, in everything that I do." "Maraming salamat sa magandang pagtanggap, Asahan niyong hindi ko sasayangin ang inyong pagtitiwala." 





Tamang Pagtuturo kay Baby sa paggamit ng Banyo


Mahalagang murang edad pa lamang ay dapat turuan na ang mga bata sa tamang paggamit ng banyo sa ganitong paraan ay matuturuan na rin silang huwag nang gumamit ng diaper at malaking tipid na rin ito sa araw-araw na gastusin.

Walang tamang edad kung kailan dapat umpisahan na turuan ang mga bata kung paano gamitin ang banyo. Karamihan sa mga bata ay nag-uumpisang magpapakita ng mga palatandaan ng pagiging handa sa humigit-kumulang na edad 2 taong. Sa edad 3 o 4 karamihan sa mga bata ay may kontrol na sa maghapon marunong nang magsabi sa magulang kung sila ay iihi o dudumi.

Mga palatandaan upang malaman kung handa nang turuan ang mga bata sa paggamit ng banyo. Una ay kung kaya na nilang sumunod sa mga simpleng direksiyon, nananatiling tuyo nang hindi kukulangin sa 2 oras sa bawa’t pagkakataon at habang naka-idlip. Marunong na silang magbaba at magtaas ng kanilang salwal. Marunong na ring magsabi kung marumi o basa na ang kanilang salwal.

Bilang pag-uumpisa ay dapat ay ipaliwanag ng mabuti sa bata ang layunin ng inyong gagawin. Gawin ito sa mahinahon na paraan, tandaaan na ang pagtuturong ito ay nangangailangan ng panahon at maraming pagmamahal. Ipakita sa inyong anak ang dapat gawin sa banyo. Madaling matututo ang bata sa pamamagitan ng panonood. Ang mga bata ay dapat mapakitaan ng dapat gawin sa banyo ng isang taong may kaparehong kasarian.

Pumili ng mga salita na gagamitin para sa mga parte ng katawan, pag-ihi at pagdumi. Iwasan ang mga salita gaya ng marumi o mabaho dahil ang mga ito ay maaaring magdulot ng kahihiyan sa kanila. Gumamit ng potty chair sapagka’t ang mga maliliit na bata ay nakakagamit ng potty chair nang mas madali at ang kanilang mga paa ay naaabot ang sahig.

Tulungan ang inyong mga anak na malaman kung oras na para gamitin ang banyo. Ang mga bata ay maaaring mag-ingay, umupo, mamula, o humintong maglaro. Sabihin sa kanila ang mga palatandaan na oras na upang pumunta sa banyo.

Gawin ang pagpunta sa banyo ng parehong oras sa bawa’t araw: Halimbawa na lamang ay tuwing bago matulog sa gabi at pagkagising sa umaga, ganon din bago at matapos ang mga pag-idlip.

Huwebes, Setyembre 21, 2017

Star Image Artist Management: Official Statement on Xander Ford current status

Matapos maglabasan ang iba't ibang larawan ni Marlou Arizala a.k.a. Xander Ford ay naglabas na ng Official State ang Star Image Artist Management.

Narito ang kabuuang pahayag

OFFICIAL ANNOUNCEMENT:

 This is to put an end.

Due to widespread FALSE information regarding the current state of Xander Ford's facial reconstruction.

Netizens should not believe these photos circulating online. The photos are well manipulated and highly edited. The real Xander Ford will only reveal his new image on Rated K on the coming days.
Yes, we are all excited with the final results of the surgery and procedures done.


Naging ka-abang abang ang paglabas ng bagong Marlou Arizala kaya hinihikayat ng Star Image Artist Management na sabay-sabay na abangan ang pagreveal kay Xander Ford sa Rated K sa susunod na mga lingo.

Miyerkules, Setyembre 20, 2017

Mga tips sa mag-asawa at mag-aasawa pa lamang upang tumagal ang pagsasama


Kapag nagliligawan pa lamang o nag-uumpisa pa lamang sa isang relasyon mapapansin na napakasaya at punong-puno ng sparks ang pagsasama. Halos buwan-buwan ay may romantic dinners, nanonood ng sine, namamasyal sa mga romatic places at kung anu-ano pang nakakakilig na panunuyo ang ginagawa ng lalaki maipadama lamang niya ang wagas na pagmamahal sa kanyang kapareha. Hindi buo ang araw ng isa kapag hindi nakikita o nakakausap ang kanyang karelasyon. Palaging may bagong mga bagay na nadidiskubre sa isa’t isa.

Ngunit habang tumatagal ang isang relasyon nagiging routine na lamang ang lahat: pasok sa opisina, sundo ni mister ang asawa sa trabaho, uwe ng bahay, luto ng pagkain, nood ng tv at matulog. Nawawala na yung mga bagay na nakakapagpakilig sa isa’t isa. May mga bago nang priorities, naka-focus sa trabaho, sa pagpapalaki ng mga anak o hindi naman kaya ay busy sa pinapanood na teleserye.

At sa pagkakataong ito nagiging problema ang “pagkakatali” at pagiging “pagod,” sa mga mga paulit-ulit na nangyayari sa kanilang buhay. Mapupuna na nakakabagot at nakapapagod na ang buhay at nawawala na ng excitement at sparks ang isang relasyon.

Kapag dumating sa yugtong ito ng pagsasama matutong lumabas sa routine ng araw-araw na pamumuhay. Paminsan-minsan ay gumawa ng bagay na na hindi ninyo pangkaraniwang ginagawa. Maari rin balikan o gawin ang mga bagay na madalas ninyong ginagawa noong kayo ay mag-nobyo pa lamang. Subukan baguhin ang ang mga nakagawiang gawin. Lumabas para sa special dinner bagama’t walang special reason. Bumili ng bouquet nang hindi na kailangang pang maghintay ng “special” event. Ang small surprises ay higit na mabuti kaysa bigger fulfillments na inaasahan nang mangyayari.

Ang pagiging creative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng init ng pagsasama ng isang mag-asawa. Mag-isip ng creative, may thrill at nakaka-excite na paraan upang maipahayag ang iyong pagmamahal sa iyong asawa. Ika nga nila nakasasawa kung paulit-ulit na lamang, paminsan-minsan dapat mayrong konting pagbabago sa pagpapahayag at pagpaparamdam ng pag-ibig.

Diligin ninyo ng pag-ibig ang isa’t-isa para sumagana ang pagsasama. Ang maayos at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay hindi nagaganap nang basta basta ito ay parang halaman na inaalagaan at dindiligan. Pag-ibig ang ipandilig, hindi masamang hinala, paninira, pangungutya at boring na routines ang makakasira sa relasyong papatatagin pa ng panahon.


Martes, Setyembre 19, 2017

Duterte Declares Sept. 21 as a Day of Protest

"September 21, is not a holiday. I have declared it as a day of protest. Lahat ng gusto pa magprotesta laban sa gobyerno, laban sa pulis, military, lahat, magbabaan kayo riyan," ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa mga mamahayag ng Caloocan City matapos bumisita sa burol ni Police Officer 3 Junior Hilario kahapon.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman nitong Martes "President Rodrigo Duterte's proclamation of September 21 as a "day of protest" is as good as declaring the 45th anniversary of the declaration of martial law by the late strongman Ferdinand Marcos a holiday.Sa pahayag ni Lagman ang September 21 ay isang holiday holiday sapagka't suspendido ang trabaho sa gobyerno at lahat ng antas ng klase sa pang-publiko at pribadong paaralan!

Si Duterte lamang ang nag-iisang pangulo na hinihikayat ang bawat indibidwal na magprotesta laban sa gobyerno kung mayroon silang hinanakit laban dito.